Muli na naman nating nasaksihan ang SONA ni
Pang. NoyNoy Aquino. Karamihan sa kanayang sinabi sa SONA ay tungkol sa
suliranin ng ating bansa. Sinabi din niya ang mga pagtaas ng ekonomiya ng ating
bansa. Mula Abril 2013 hanggang 2014 1.6M ang nadagdag sa bilang ng may
trabaho. Patuloy na pag-angat sa ekonomiya. Gagawin niya ang lahat para
siguraduhing Hindi magkukulang ang enerhiya. Mag- import ng bigas na isusuplay
sa merkado at pababain ang presyo, sa lahat ng naaabot ko ay kuntento na ako
bahala na kayong ituloy ang pagbabago. Iyan ay ilan sa mga sinabi niya sa SONA.
Sa lahat ng naging SONA ni Pnoy ay ngayon ang pinakanabagbag sa kanyang
damdamin. Maraming mga tao ang umasa sa sinasabi ni Pnoy na gagawin niyang
pagbabago. Lalo na sa higit na pangangailangan ng lahat. Ngunit marami ng
nagsasabi na sobra silang bitin sa SONA ng Pangulo at karamihan daw sa
kinahaharap na isyu o suliranin n gating bansa ay hindi niya isinali sa kanyang
SONA. At lahat ng ito’y
tumatatak sa ting mga isipan basta’t itatak natin sa puso natin na tayo
ang kanyang boss.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento