Miyerkules, Marso 11, 2015
Salik na Nakakaapekto sa Pag liit at Pag laki ng Suplay
Sa isang negosyo , hindi palaging maginhawa o mayroong mga maibebenta o may naka- imbak.
Ang aking nakappanayam ay ang aming kapit bahay na may negosyong sari- sari store. Bilang isang negosyante, madaming mga bagay ang kailangang isaalang- alang upang mapanatili ang katatagan ng negosyo. Kailangang mayroong kaalamang sapat ang isang indibidwal upang makapag- patakbo ng isang negosyo.
Ang mga salik na nakakaapekto sa isang negosyo. Ayon sa aking nakapanayam. Isa sa mga nakaapekto ay kawalan o kakapusan ng budget. Kailangang maging matalino sa pagpapaikot ng pera. Ang pangalawang salik ay ang kalamidad. Kapag may ganitong sakuna ay hindi makapagdeliver ang mga producer kung kaya't lumiliit ang suplay at nagiging kapos ito kung kelan higit na kailangan.
Maraming mga salik ang nakakaapekto sa isang negosyo. Ngunit nasa sayo kung paano mo gagamitan ng talino ang pagpapaikot ng pera at pagpapatakbo ng negosyo.
PNP SAF FALLEN 44
Ang ilan sa ating mga kongresista ay humiling sa ating Pangulong Noynoy Aquino na magdeklara ng National Day of Mourning dahil sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) mula sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF)
Ayon kay Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil, ito ay para umano makapagdalamhati ang buong bansa at mga Pilipino kasama ang buong PNP sa pagdadalamhati.
Para naman kay Rep. Sherwin Gatohalin ng Valenzuela City, ito ang magsisilbing pagbibigay pugay at pinakamataas na parangal na maigagawad sa mga SAF na nagbuwis ng buhay sa gitna ng pagtupad ng tungkulin.
Kapag naideklara na ang National Day of Mourning ay inilalagay sa half mast ang lahat ng bandila ng bansa sa tanggapan ng gobyerno. At maisasagawa ang dineklarang pag- kilala sa mga bayaning nag- alay ng kanilang buhay para sa handog na kapayapaan ng bansa
Pista ng Nazareno
1521 nang dumating ang mga kastila sa mayamang lupain ng Pilipinas kasama nila ang krus na nagsisimbulo sa relihiyon at pananampalataya. Tinuruan tayo ng mga kastila ng kanilang paniniwala at ipinilit na isubo sa atin ang mapait na paniniwalang ito. Nang maniwala na tayo sa pananampalataya nila, inapi tayo, tinuruang ipasa diyos ang lahat na nagdulot naman ng pagiging positibo ng mga Pilipino.
Sinasabi ng ibang deboto na may milagro daw na nangyayari sa kanila kung kaya't taon- taun sila ay sumasama sa milyong- milyon na tao at nakikiisa sa translasyon. Maraming nasusugatan at nahihimatay ngunit tuloy pa rin. Dito makikita ang pagkakaisa ng mga katolikong deboto. Sa paghila ng tali sa mga tuwalya na ipinapahid at mga taong pinipilit makalapit sa nazareno.
PAGDATING NI POPE FRANCIS
Inaasahang darating sa bansa ang Santo Papa Francisco sa ika- 15 ng Enero hanggang ika- 19 ng 2015 kung saan kabilang sa dadalawin nito ang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda at makasalo sa isang pananghalian ang may 30 survivors ng bagyo at lindol. Ipinahayag niya ang kaniyang kagustuhang bisitahin ang mga nakaligtas na biktima ng nagdaang bagyong Yolanda at lindol sa Bohol.
Ang tema ng nalalapit na pagbisita ng Santo Papa ay "Mercy and Compassion" ayon sa Presidente ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines (CBCP) na si Lingayen- Dagupan Archbishop Socrates Villegas. Ayon pa sa kanya, sa pagdating ni Pope Francis dala niya ang mensahe ng awa at pagkahabag mula sa Panginoon. Dagdag niya na sanay makita niya sa atin ang mga taong nakadama ng awa at pagkahabag mula sa Panginoon, na lubos na nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa kanila lalo pa sa mga panahon ng nagdaang mga sakuna.
Ang opisyal na logo para sa pagbisita ng Santo Papa ay may tatlong bilog; ang dalawang nasa labas ay dalawang bisig na kulay asul at pula. Mistulang nakayakap ang dalawang bisig sa bilog na kulay dilaw na may krus sa gitna.
Ang Caritas Manila, isang non- profit group ay nagsimula ng magtinda ng mga bagay na may temang ukol sa nalalapit na pagdating ng Santo Papa. Ang mga kikitain mula rito ay gagamitin para sa pagtulong sa mga mahihirap at ang ilan ay gagamitin upang tustusan ang mga gastusin para sa paghahanda para sa pagdating ng Santo Papa.
Bonifacio Day
Kapag naririnig natin ang pangalang Andres Bonifacio, naguguhit sa ating mga isip ang isang lalaking medyo siga, barumbado, at yung tipong gusot- gusot ang polo at tumatakbong may hawak na itak. Pero nang mas nakilala ko si Andres Bonifacio, napagtanto ko na siya'y parang karaniwang iskolar ng bayan lamang. Gaya ng karamihan sa atin, puno- puno siya ng pangarap at potensyal, at kahit na lugmok siya sa kahirapan, nagawa niyang maging mataas sa tatlong lenggwahe't aral sa mga akda nina Victor Hugo at Eugene Sew.
Ipinagdiriwang natin ang Bonifacio Day bilang paggunita kay Andres Bonifacio (Nobyembre 30, 1863- Mayo 10, 1897 na siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa imperyalista sa Europa. Sa pagtatag ng katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas
TEORYA nina Maslow at MC Clelland
Ang teorya nina Maslow at McClelland ay tungkol sa pangangailangan ay nagkakaiba batay sa pamantayan.
Si Abraham Harold Maslow ay isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng herkiya ng mga pangangailangan ng tao. Batay sa teorya, nagagawa lamang ng tao na maituon ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas. Ang tao ay may batayang pangangailangan. Gaya ng pagkain, damit at tirahan, hindi maaaring mabuhay ang tao nang wala ito. Iba't- iba ang napagtutuunan natin ng pansin. Bawat tao'y may pangangailangan na hindi maaaring mawala ngunit kung minsan, hindi napagtutuunan ng pansin.
Si David Clarence McClelland ay isang behavioral psychologist. Ayon sa teorya niya ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa sa gantimpalang salapi o materyal na bagay. Bawat pangangailangan ay nakakuhasa mga karanasan
Magkaiba mang teorya, parehong tumutukoy sa bawat batayan ng pangangailangan ng bawat tao.
SONA: STATE OF THE NATION ADDRESS
Muli na naman nating nasaksihan ang SONA ni
Pang. NoyNoy Aquino. Karamihan sa kanayang sinabi sa SONA ay tungkol sa
suliranin ng ating bansa. Sinabi din niya ang mga pagtaas ng ekonomiya ng ating
bansa. Mula Abril 2013 hanggang 2014 1.6M ang nadagdag sa bilang ng may
trabaho. Patuloy na pag-angat sa ekonomiya. Gagawin niya ang lahat para
siguraduhing Hindi magkukulang ang enerhiya. Mag- import ng bigas na isusuplay
sa merkado at pababain ang presyo, sa lahat ng naaabot ko ay kuntento na ako
bahala na kayong ituloy ang pagbabago. Iyan ay ilan sa mga sinabi niya sa SONA.
Sa lahat ng naging SONA ni Pnoy ay ngayon ang pinakanabagbag sa kanyang
damdamin. Maraming mga tao ang umasa sa sinasabi ni Pnoy na gagawin niyang
pagbabago. Lalo na sa higit na pangangailangan ng lahat. Ngunit marami ng
nagsasabi na sobra silang bitin sa SONA ng Pangulo at karamihan daw sa
kinahaharap na isyu o suliranin n gating bansa ay hindi niya isinali sa kanyang
SONA. At lahat ng ito’y
tumatatak sa ting mga isipan basta’t itatak natin sa puso natin na tayo
ang kanyang boss.
Iglesia ni Cristo 100
Iglesia ni Cristo
Ang INC o Iglesia ni Cristo ay
magdidiwang ng kanilang Centenario ito ay gaganapin sa Bocaue Bulacan. Nag
pagawa sila ng isang napakalaking indoor arena. Ito daw any pinakamalaking
indoor arena sa buong Mundo, billion billion any ginastos nito, ito daw daw ay
any pinagsama-samang pondo ng Iglesia ni Cristo, ginanap ito noong July 27 2014
ng linggo.
Ang INC ay unang tinatag ni Felix
Manalo. Ito ay isa sa mga kristiyanong relihiyon, lumaganap ito sa Pilipinas at
sa ibang bansa. Naniniwala sila na si Felix Manalo ang kanilang sugo. Nang
mamatay si Felix Manalo, ang kanyang anak na si Eduardo Manalo ang naging
punong ministro. Lumaganap ang Iglesia ni Cristo na nagkaroon ng higit kumulang
na 3 milyong miyembro. Kilala run sila sa kanilang pagkakaisa
Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini at kilala bilang ang
"Dakilang Lumpo" o "Dakilang paralitiko". Siya any nagsulat
ng konstitusyong unang Republika ng Pilipinas noong 1899- 1901 at nag lingkod
bilang ang kauna- unahang punong ministro noong taong 1899. Siya rin ang utak
ng rebolusyon. Wala ang Rebolusyon kung Hindi dahil Kay Apolinario Mabini. At
kung Hindi dahil sa kaya walang kauna-unahang konstitusyon sa Pilipinas at sa
Asya. Siya ay isa sa mga nagpalaya ng ating bansa mula sa mga dayuhang na
nanakop. Hindi naging dahilan ang kanyang kapansanan para maipagtanggol niya
kasama ng iba pang bayani nang aging bayani.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)