Miyerkules, Marso 11, 2015

Salik na Nakakaapekto sa Pag liit at Pag laki ng Suplay


          Sa isang negosyo , hindi palaging maginhawa o mayroong mga maibebenta o may naka- imbak.
         
          Ang aking nakappanayam ay ang aming kapit bahay na may negosyong sari- sari store. Bilang isang negosyante, madaming mga bagay ang kailangang isaalang- alang  upang mapanatili ang katatagan ng negosyo. Kailangang mayroong kaalamang sapat ang isang indibidwal upang makapag- patakbo ng isang negosyo.

          Ang mga salik na nakakaapekto sa isang negosyo. Ayon sa aking nakapanayam. Isa sa mga nakaapekto ay kawalan o kakapusan ng budget. Kailangang maging matalino sa pagpapaikot ng pera. Ang pangalawang salik ay ang kalamidad. Kapag may ganitong sakuna ay hindi makapagdeliver ang mga producer kung kaya't lumiliit ang suplay at nagiging kapos ito kung kelan higit na kailangan.
         
          Maraming mga salik ang nakakaapekto sa isang negosyo. Ngunit nasa sayo kung paano mo gagamitan ng talino ang pagpapaikot ng pera at pagpapatakbo ng negosyo.

Suliranin sa Ekonomiya


MGA PANGANGAILANGAN


Tagaytay Day


BIrthday ni Rizal



PNP SAF FALLEN 44


              Ang ilan sa ating mga kongresista ay humiling sa ating Pangulong Noynoy Aquino na magdeklara ng National Day of Mourning dahil sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) mula sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF)

             Ayon kay Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil, ito ay para umano makapagdalamhati ang buong bansa at mga Pilipino kasama ang buong PNP sa pagdadalamhati.

             Para naman kay Rep. Sherwin Gatohalin ng Valenzuela City, ito ang magsisilbing pagbibigay pugay at pinakamataas na parangal na maigagawad sa mga SAF na nagbuwis ng buhay sa gitna ng pagtupad ng tungkulin.

             Kapag naideklara na ang National Day of Mourning ay inilalagay sa half mast ang lahat ng bandila ng bansa sa tanggapan ng gobyerno. At maisasagawa ang dineklarang pag- kilala sa mga bayaning nag- alay ng kanilang buhay para sa handog na kapayapaan ng bansa

Pista ng Nazareno







                 Enero 9 bawat taon pinagdiriwang ng mga katoliko ang selebrasyon para sa "Mahal na itim na Nazareno"
                1521 nang dumating ang mga kastila sa mayamang lupain ng Pilipinas kasama nila ang krus na nagsisimbulo sa relihiyon at pananampalataya. Tinuruan tayo ng mga kastila ng kanilang paniniwala at ipinilit na isubo sa atin ang mapait na paniniwalang ito. Nang maniwala na tayo sa pananampalataya nila, inapi tayo, tinuruang ipasa diyos ang lahat na nagdulot naman ng pagiging positibo ng mga Pilipino.
                Sinasabi ng ibang deboto na may milagro daw na nangyayari sa kanila kung kaya't taon- taun sila ay sumasama sa milyong- milyon na tao at nakikiisa sa translasyon. Maraming nasusugatan at nahihimatay ngunit tuloy pa rin. Dito makikita ang pagkakaisa ng mga katolikong deboto. Sa paghila ng tali sa mga tuwalya na ipinapahid at mga taong pinipilit makalapit sa nazareno.